I cannot really say that I'm a very good writer, if you perceive a good writer as someone na iisang line of thought lang ang ginagamit sa isang piece. Unfortunately for me, I'm not like that. Sabog akong mag-isip, mas lalo na kapag nagsusulat ako. Sabihin nalang natin na sawa na rin ako sa mga piyesang nililikha ko na may introduction, body, at conclusion na parang inulit at kinompress na introduction at body. Parang yung style of writing ko noong highschool. Nakakatawa, pero I got good grades then. Wonder what I'll get now...
When I write anything, feeling ko ang pangit ng delivery ko. I dunno, siguro gusto ko lang kasi siguro yun tipong dramatic ang pagkakadeliver. Eh sa kasamaang palad, puro external lang ang kaartehan ko. Wala sa loob. Kaya nga hindi ako nagdedesign ng mga sites namin eh, more on background ako noon. May pagka-minimalist kasi ako. Yun tipong pagkakasyahin ang napakaraming information sa napakaliit na space. Nakasanayan nalang siguro. Naalala ko tuloy nung college, isang buong bahay ang tinitirhan ko pero yung kitchen (na may mga kitchen stuffs) at yung room ko lang ang jampacked. Para kasi sa akin, mas madaling maabot kapag malapit lang, kaya talagang nasisiksik. Kapag medyo malaki ang space at konti lang ang gamit, hindi ako mapakali. Parang hindi ako makahinga. Nakakatuwa sigurong isipin, pero yun ang totoo.
Pero for some odd reason, maganda pa rin ang grades na nakukuha ko sa mga papers ko. Hindi ko nga alam kung hindi lang ako naniniwala sa kakayahan kong magsulat o sadyang kilala ako ng mga teachers na parang tiwalang-tiwala na sila sa writing ko. Siguro nga apektado din ng fact na co-teacher nila ang nanay ko, pero there are times din that I chance upon some old writings of mine, and nasusurprise ako na parang ok ang pagkakasulat.
Siguro nga I'm just not really used to write. I tend to keep things to myself kasi, not only because may pagka-loner ako by nature, but also ayoko din na i-divuldge ung sarili ko sa lahat. Kumbaga sa iilan lang. Pero now I have to change that. No use "reserving" myself to special persons. Mahirap naman kasing maghanap ng mga "special persons" lalo na if you do not open yourself. Tulad nga nung isang "kasabihan" na narinig ko nung college, "In being open, you become close."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento