Pizza Ever Day

Linggo, Abril 28, 2013

ano kaya ang feeling na magtrabaho?


ano nga kaya ng feeling na magta-trabaho na?  well, sa totoo lang, hindi ko pa 'yon malalaman kasi sa susunod na limang buwan eh magte-training pa ako bago ako isabak sa totoong trabaho...

pero pagkatapos 'nun, ano na nga kaya?  katulad pa rin kaya ng dati na halos hindi na ako kumakain o kaya eh natutulog hanggat hindi ko pa natatapos ang isang project o kaya naman eh hindi ko pa nafu-fulfill ang gusto kong mafulfill for that time being?  o baka naman hindi na ako sa bahay magta-trabaho (as in gagawa ng project) ngayon, sa ofis na.  ano bang malay ko kung hindi na pwedeng iuwi ang project (na parang assignment...).  pero sa totoo lang, mas komportable akong gumawa sa loob ng bahay... pwede kayang may exception sa kaso ko?

hay... nakakapagod mag-isip.  teka... may sense ba naman yung sinabi ko?  kayo nalang ang mag-figure-out.  sabi ko naman sa inyo eh, brain-dead ako ngayon...

hay maitulog na nga ito... baka naman dahil lang ito sa antok... uungol na kasi yung aso ngayon eh, kaylangan ko nang lumipad... hihihih....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Dinner Time

Give Me A Song