Pizza Ever Day

Linggo, Abril 28, 2013

Lihim

Matagal na tayong magkakilala, 
Ilang taon na nga ba, hindi ko na bilang. 
Kahit noon pa man, alam ko na, 
Matagal na kitang minamahal. 
Ngunit bakit pa ipagtatapat sa iyo, 
Kung masaya ka naman sa kanya? 
Bakit ipagpipilitan ang sarili, 
Kung ang turing mo'y hanggang kaibigan lang?
Mas nanaisin pang mahalin ka ng lihim,
Kaysa tuluyan kang mawala.
Mas nanaisin na kimkimin ang damdamin
Kung yun lang ang paraan upang ika'y manatili.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Dinner Time

Give Me A Song